C.O.D. SA JRS EXPRESS
MERON NA!
Small Business Owner?

Register now in just 3 easy steps!

1. Mag Register

Bumisita sa pinakamalapit na JRS Express Branch at mag-apply bilang COD seller. Siguraduhing magdala ng dalawang valid ID.

2. I-track

Magpadala at i-track ang mga COD orders gamit ang JRS Client Portal.

3. I-claim

Sa loob ng tatlo hanggang limang araw, maaari niyo nang i-claim ang payments. Matatanggap ang kabayaran sa anumang napiling banking platform, nang hindi na kailangang bumalik sa branch!

Find a branch near you
 

Sa JRS Express COD, Negosyo ay wagi!

Naghahanap ng maaasahang ka-partner sa negosyo?

Sa bagong serbisyo ng JRS Express, siguradong mas mapapadali ang pagpapadala ng inyong mga items! Sa loob ng isa hanggang tatlong araw mula nang mag-rehistro sa pinakamalapit na JRS Branch, ay maaari ka nang maging COD Seller, at magkaroon ng access sa aming JRS Express COD Portal. Dito puwedeng i-track ang padala at ang halaga ng kabayarang natanggap.

Ang kabayaran mula sa inyong mga padala ay maaaring i-claim sa loob ng tatlo hanggang limang araw. Ito ay diretso nang idedeposit ng JRS Express sa inyong napiling banking platform. Hindi na kailangang bumalik sa branch para i-remit.

Anu-ano ang mga requirement para mag-register bilang COD Seller?

  • Ang COD client ay kailangang mag-register nang may kumpletong requirements.
  • Mga aprubadong COD Clients lamang ang magkakaroon ng access sa COD services at client portal.
  • Ang COD ay bukas para sa lahat ng klase ng business: sole proprietorship, partnership, at mga korporasyon.

Para sa sole proprietorship, ihanda at i-sumite ang sumusunod:

  • 2 Valid ID (one primary ID, one secondary ID)
  • Bank Account or GCash Account
  • DTI Certificate of Registration (if registered)
  • COD Clients Application Form
  • Proof of Business (Proof of Online Page, Proof of Physical Store if any.

Para sa partnership at mga korporasyon, ihanda at i-sumite ang sumusunod:

  • Latest Business Permits
  • Latest Audited Financial Statements
  • Certificate of Registration with the Securities and Exchange Commission (SEC)
  • Certified True Copy of Articles of Incorporation, By-Laws and Latest GIS
  • BIR Certificate of Registration (Form 2303)
  • Company Profile
  • Latest 2 (two)-Months Bank Statement (Original Copy)

Paano mag-claim ng COD payments?

1. Mag log-in sa JRS portal gamit ang username at password.

2. I-check ang delivery status ng mga padala, ang halaga ng nakolektang kabayaran, ang halaga ng mga pinoproseso pang kabayaran, at ang halaga ng kabayarang maaari nang i-claim/transfer.

3. I-click ang “Request to Withdraw”.

4. Matapos isend ang request, matatanggap niyo na ang kabayaran sa napiling banking channel sa loob ng 3-5 araw.